Mali ang Liko, Tama ang Trip: Isang Random na Bike Ride sa La Union

Mali ang Liko, Tama ang Trip

May mga bike rides talaga na hindi mo planado…
pero doon mo nare-realize kung bakit mas masarap ang journey kaysa sa destination. 🚴‍♂️

Sa vlog na ito, originally plano naming dumaan sa Gallano at lalabas sa Naguilian.
Pero alam mo na ‘yan—bike rides are unpredictable.
Yung mga back roads, open fields, forest climbs, at long descents ang nagpa-sulit sa ride.
At syempre, may bonus pa—nakapag-beach pa kami! 🌊

Check out the full ride here:
Watch the vlog on YouTube


Kwento ng Ride

Umaga, nagkita kami ni EJ, parehong dala MTB—kasi ramdam na rough ang daan.
Mula Cooyesan, bumaba na kami ng Asin–Nangalisan Road.
Maraming butas, cold breeze, tahimik, at solid na view.
Todo enjoy kami sa palusong pababa—nakaka-adrenaline, pero nakaka-relax din.

Pagdating sa Gallano Bridge, nagpahinga muna kami saglit bago sumabak sa gradual ahon.
Naka-footpath at rough road ang daan—dapat sana kakaliwa papuntang Gallano Rice Terraces,
pero na-miss namin.
Dumeretso kami.
Classic “wrong turn, right adventure.” 😅

Habang umaahon, ramdam na ramdam namin yung mala-gubat vibes.
Presko, tahimik, at may mga aso pang mababait na hindi man lang kami tinatahulan.
Dahil sa mga ganitong stretch, mas na-appreciate namin yung paligid at yung bawat spin ng pedals.


Open Fields at Immalog

Pagdating namin sa Basca papuntang Immalog, open fields na ang paligid.
Ups and downs ang daan—pero super enjoy lalo na sa MTB with front suspension.
Pagdating namin sa Immalog, may mahabang lusong—matirik at tuloy-tuloy.
Hawak sa preno, ngiti sa mukha, todo enjoy sa bawat segundo.


Agoo Eco Park & Sunset

Mula Liquicia at Aringay, dumaan kami sa back roads, riverside paths, at farm-to-market projects.
Nakabalik sa tamang daan at narating ang Agoo Eco Park.
Sobrang relaxing—picture-picture, kubo ng mangingisda, at pati pagtulog sa hammock! 💤
Pagdating sa baywalk, tanaw ang dagat at sunset—perfect na tambay moment habang may food trucks at simple coffee kiosk sa gilid.

Pagkatapos, tumuloy kami ni EJ pa-south, Agoo–Rosario Road.
Nadaanan ang Agoo Cathedral, highway sprints, hanggang sa bus stop ng Solid North.
Exhausted pero satisfied—grabe, isa sa mga pinaka-memorable rides namin.


Takeaway

Minsan, hindi mo kailangan sundin lahat ng plano.
Yung mga likong hindi mo sinasadya, back roads at detours,
sila pa ang magdadala sa’yo sa lugar na hindi mo inakalang mararating—
pero eksaktong kailangan mo.

Cycling isn’t just about the destination—
it’s about letting the road surprise you.

Watch the full ride here:
YouTube Vlog