..every color, every hue
nahulog yung Transmitter ng Jesse radio station
Kahapon… natupok ng sunog ang dating Vacation Hotel. Napakalaki ng sunog, kinabahan nga kami dahil maaring umabot ang sunog sa aming kinaroroonan. Todo suporta kami nila Jun-jun at ni Yul sa mga Bombero… oo, mahirap ang naging kalagayan nila, hindi biro dahil sa luma na nga at gawa pa sa kahoy ang bandang likod nito… tupok at sira… walang magawa ang naitaboy ang mga Koreano na nagaaral sa gusaling ito. Nung maibanggit ko dwyt ang balita, nanlungkot kami dahil… kung tutuusin… may mga alaala kami sa lugar na to…
Kanina lamang, pumanaw ang isa sa iniidolo ko na artista, si Kiko, Man from manila! napakalungkot… halos naging parte ng isip ko ang karamihan sa kanyang mga kanta, impluwensya kung baga. Isipan man kung ba’t kelangan mangyari to… wala akong sagot pero siguro nga, ang tadhana ay para sa lahat, handa ka man o hindi. “Sya ay inalay para sa bayan… sayang naman ang kanyang pinaglabanan!”
“Hindi nga lahat ng bagay tumatagal…”
—————-
Sa lagay, alam ko na hindi ako madaling maintindihan. Alam ko rin na nagagalit ako kung hindi ako sinusubukan intindihan. Ganyan ang mga sitwasyon ko sa mga dati ko mga girlfriends. Mahal kung mahal nga, pero… malaking bagay ang pagkakaiba ng mga tao… hadlang ito. Kaya yun, karaniwang dahilan ng away at ng paghihiwalayan ang hindi namin pagkakaintindihan… walang may gusto magpakumbaba sa isa’t isa… walang tumagal, kahit man yung tatlong taon… nauwi rin sa galit. Dun ako nasubukan, kahit papaano natuto rin ako dito, mas lalo ngayon, nais ko na ipanatili habang buhay si Glyn, ang naging karanasan ko sa aking napaglipasan na poot, galit at pagsisi at pagkakamali, subok na pinagbubuti sa kanya, Mahal na mahal ko si glyn at mas lalo nung nabiyayahan kami ng adorable na anak, si Gabriel… Kilala man ni glyn ang aking naging buhay, minahal nya ako at tinanggap, kahit sa lahat ng aking pagkukulang.
—————–
tapus na yun… nakuntento na ako… sa lahat ng aking natutunan…
—————–