Causa Causea Est Causa Causati
Hindi man natin maiwasan magsisi, magalit, humusga o gumawa ng konklusyon… ang lahat ng bagay ay may ugat. Nakakagimbal nga talaga ang nangyari sa Quirino Grandstand kahapon, na kung saan nabahiran ang imahe ng Pilipino. Marami ang nadismaya sa naging kinahihitnan nito. Malungkot talaga isipin na nawala ang pagpapahalaga sa buhay - hindi sana nangyari eto!
Siguro nga, marami na ang hindi masaya sa sistema - marahil dahil hindi na gumagana ang sistema sa kanila. Karamihan ay pulubi at mahirap pa rin kahit na todo na ang binibigay na serbisyo at pagkakayod. Hindi sila na nakikilala, hindi napapangaralan at hindi man lang napapasalamatan. Lahat naman ng tao ay karapatdapat na mabigyan ng parangal, MAS LALO, kung sila ay nakakagawa na mabuti. Sa ating bansa marami ang sobrang magaling, pero sa pagsapit ng dilim, sino pa rin ang mayaman… sino parin ang naghihirap para kahit man lang guminhawa.
Pag malaman kaya ng bata na imbes na sa pang-aral nya, napupunta pala sa bisyo ng magulang…
Marami na akong narinig na reklamo sa sistema ng ating bansa… mula sa kapwa ko Pilipino at mula sa mga dayuhan na naninirahan dito… Marami sa ating bansa ang hindi gumagana ng isang daan at isang porsyento. Marami ang kulang - kulang na kulang.
Kawawang Ginoong Mendoza, sino ba naman gusto manakit, sino ba may gusto mamatay, sino ba may gusto mabahiran ang kanyang pangalan… tao din sya, tulad natin… minsan may lamat sa pagdedesisyon - matindi nga lang sa kanya… kasalanan na nya yun. Kinaaway nya ang sistema - sinira sya ng sistema - napatay sya ng sistema …
Ang nangyari kahapon, may ugat yun - at ang ugat ay hindi lang iisa. Ang ugat ang malalim din. Ganun pa man,magiging ugat din eto sa mga susunod pa na pangyayari.
Isa sa ating kapwa ay nawala ng landas, malungkot, naging mitsa eto ng pagpanaw ng buhay nya at ng ilang tao. Mahirap man itama ang mali ng isa pang pagkakamali - lahat ng mga eto ay maiiwasan. Alam lang natin sana kung anu talaga ang tunay ng ibig sabihin ng pagpapahalaga at respeto.
Sa isang sitwasyon na ganito ang naging resulta - sa bawat punto, lahat ay nagkulang at nakamali - wala na sisihan o turuan, pag aralan na lang natin… maayos pa to.